Powered By Blogger

Thursday, 1 September 2011

INTRAMS: CDE fight!


cute faces of  Education !  


                                                 
                                                                 cheerdance !

Saturday, 27 August 2011

PISTA SA NAYON





                                              Ang MUTYA ng mga  A G T A

For sale : a kidney

How far does a person should go for a short term reprieve from poverty? The Philippine government claims that the number of people living below the poverty line has decreasing in recent years. But moreover, it does not show a precise indicator that the distribution of income among the poor had well allocated. Inequalities in society still exist. Poor becomes poorer. Children become undernourished and hungry unlike others. Some have more body parts than others because a large number of desperate poor people have been selling their kidneys.
        Ruben Tocal, 28, resident of Taguig and a father of seven children said yesterday that he was forced to sell his kidney to provide his family a bright future. He sold his kidney at the cost of 160,000 pesos. And now, the money is all gone and they are still poor. He has not received any medical attention and the transaction was closed as soon as the kidney was removed from his body.
        How many victims will be arising? How many lives would suffer? For instance, in almost urban poor communities in Philippines, young men and women have their scars on the side of their bodies. It just only shows an edible proof that they donated one of their two kidneys. A kidney cost U.S $2,000-$5,000 in the Philippines. Sometimes, if fortunate, children’s donor will be given a scholarship. A big BUT, money is nothing if you compare as to what is lose to the donor. If this donor will suffer from renal disease, they may need a transplant too.
        In addition to that, this preceding year, selling of kidney has reached an alarming level. It is an act against the law but still people forced to do so. Why? They just need to survive. They need food, shelter, clothing, and other basic needs.
        Also, the World Health Organization (WHO) had tagged the Philippines as a “global organ trafficking hotspot” because of the rich number of tourists in the country. In 2007, the Philippines was rated as the 5th kidney trading country around the world. This revelation must serve as a warning to the government. What should they do? There is this consensus that something must be done to minimize, regulate, and even ban the trading of kidneys in the country.
        Will it stop if the hospitals are being detected and supervised? Patients would hopefully decrease but in the world’s case nowadays, syndicates and illegal institutions profit the “trading”. Selfishness has caused many lives in danger. The Government should do immediate actions towards this issue. Poverty, as the primary reason should be eradicated. With the help of the various institutions in the society, surely, there will be no Ruben that will risk his life only to give a brighter future to his beloved family.

                    -FOR SUBMISSION- 
                          lei-piltik!
                           essay

Friday, 19 August 2011

PAGSUSULAT: May kinabukasan pa nga ba?



      “Gaya ng mga dahong nasa punong iyon, ang aking natalang mga katotohanan ay unti-unting naglalaglagan at napaparang. Isinasabay ng hangin sa papawirin at nawawalan ng panimbin”- isang malungkot na pahayag na aking narinig kay Mang Lito. Si Mang Lito ay isang dating batikang rayter ng isang lathalaing balita sa isang Publishing Company sa Maynila. Sa gulang na 61 taon, mababakas sa kanyang mukha ang pagod ng katandaan Kitang-kita sa sulok ng kanyang mga mata ang pagiging isang alagad ng pluma.ang kislap ng mga iyon ay nagpapahiwatig ng damdamingt nasasabik makapag-alay ng natatanging buhay- ang pagsulat. Nagsimulang magsulat ang matanda sa lumang papel subalit napahinto nang may pag-aalinlalngan sa kanyang napagraanang nagbabasang mga kamay.
Maraming bagay ang naungkat na mga katanungan sa aking isipan. Sino na ang magsisimula ng bagong henerasyon ng mga manunulat? May kinabukasan pa kaya ang isang batang makata? May silbi pa nga ba ang pagsusulat? Dito sa Pilipinas, iilan lamang ang nabibigyan ng “break” bilang isang rayter sa henerasyong ito. Isa na si Bob Ong na mabentang-mabenta ang libro ng buhay na tinatangkilik ng mga kabataan. Ngunit, naniniwala naman ako na ang ating bansa ay nagtataglay ng mga potensyal na rayter. Subalit, sa kasamaang palad, hindi lamang sila nabigyan ng pansin dahil sa hirap ng buhay sa Pilpinas. Katwiran nga nila ni bigas nga ay hindi kayang makabili, uunahin pa ba ang sining ng pagsuuslat?
    Hindi ka nga talaga mabibigyan ng bar ng ginto, mala-palasyong bahay, magarang kotse, at kalayawan ng buhay sa pagsusulat. Ang pagiging isang manunulat ay kailangan ng puso para sa panitikan. Taos-pusong pag-aalay ng buong pagkatao ang kailangan upang maging epektibong manunulat. Sa mundong ating ginagalawan hindi lamang nakakubli ang reyalidad ng buhay subalit pilit na itinatago. Naglaganap ang krimilidad, korupsyon, pang-aabuso at kahirapan na puno't dulo ng naghihikahos na buhay ng ating mga mamamayan.Sa paglipas ng panahon, lalong lumulubha ang kalagayan ng bansang ating minumutya. Nawawalan ng kinang ang sining.
    Katulad ni Dr. Rizal sa kanyang el Filibusterismo at Noli Me Tangere nailarawan ang pananamantala ng mga may kapangyarihan. Kasakiman at kawalan ng pagmamahal sa sariling bayan ang nagdulot sa karitlan. Ano sa palagay mo, ang mga naisulat ba ng ating bayani ay binago ang ating isipan at nakapagbukas ng mga mata at ang damdaming nagaalab ay nasindihan? Isipan mo, ano ngayon ang silbi talaga ng pagsusulat?
Sa gayon, ang pagsusulat ay siyang mabisang sandata. Dito nating naipapahayag ang ating mga saloobin at damdamin sa lipunang ating ginagalawan. Ang papel, pluma at kaisipan ang naging instrumento ng pagpapahayag ng katotohanan.
   Bilang isang tagasulat ng balita, kailangan maging matapat at totoo sa paghhatid ng mga mahaghalagang impormasyon. Hindi maaaring maging bias. Kailangang mapakinggan ang magkabilang panig. Mabulaklak na mga sakita rin ang nagdala sa atin sa mundo ng sining. Ang mga emosyong nagbabahagi ng mga karanasan sa pag-ibig, paghihirap, paglalalaban, pagtatambis ay naitatak sa isipan ng mambabasa..Ngayon, maaari mo na bang masagot ang tanong? Ano ang silbi ng pagsusulat?
   Alam ko mahirap talagang bigyan ng kasagutan. Marahil ikaw ay nagsusulat, may kinabukasan pa nga ba talaga ang baguhang manunulat? Kung nakakakain lang sana nang tatlo sa isang beses ang tao, kung may maayos na bahay sana tinitirhan ito, kung makulay lang sana ang mundo ng pag-ibig sa kanya, kung nabibigyan lang sana siya ng kanyang pangangailangan, marahil ay nabigayn siya ng pagkakataon maisigaw ang kanyang mga hinain sa pamamagitan ng pagsulat.
   Ang bawat nakatalang akda ng panitikan ay ang tagapuspos ng ating mga kaluluwa. Ngunit gaya ni Mang Lito, pati sa kanyang katandaan ninanais niya pa ring maipagpatuloy ang henerasyon ng mga makata. At bilang isang makata sa puso't diwa, nais kong ibahagi ang personal na pananaw ko sa tunay na silbi ng pagsusulat. Ang tunay na silbi ng pagsusulat ay ang pag-udyok ng pagbabago sa buhay ng tao.
   Katulad ng sining, ang pagsusulat ay nagiimpluwensiya sa pananaw, kaisipan, damdamin at pamumuhay ng tao. Ito din ang nagbubukas sa bagong daan ng pagbabago ng lipunang ating kinabibilangan. Higit sa lahat, ang pagsusulat ay pagpapakatao. Darating ang araw, lalago gaya ng mga halaman sa kapaligiran ang nga bagong manunulat na magpapatuloy sa “legend” ng isang makata gaya ni Mang Lito na puspos ng pagmamahal sa sariling sining at bayan.
                      
-polinag -lei .piltik.!!
                                                          formal essay: may silbi pa nga ba ang pagsusulat? 
for submission!!

Sunday, 14 August 2011


 To be a catalyst of change in the society where I belong, I can use art in meaningful ways of expressing my ideas, my perspective, my emotions, my inner thoughts, my jugement through creation which conveys reality of the world.
People of the society may get to open their eyes onto a real world where poverty reigneth. My art will be the motivating force for the people of the society to make a difference.

Saturday, 6 August 2011