Durog kong pulso
pumipitik sa tenga ko
Di na mabilang pintig nito
pahina nang pahina
Naubos ang dugong dumadaloy
nabarahan ng taba ng sakit
na tumalos pati buto
Namilipit ang ugat sa katawan
nagpalaya sa ungol at
kumawala sa hapong tinig
mula sa kahapon
Dayain ang sarili
sa kawalan
walang maramdaman
Patay na nga,durog,
basag na ang organ
ng buhay na umukit
sa katauhan
Unti-unting naihip ng hangin
ang sindi ng munting
ilaw ng pag-asa
dumidilim..
Wala nang malay
ang damdamin
nalanta ang rosas
namatay ang ilaw
Naglaho na nga
ang busilak na pagibig
na noo'y pinipitik ng pulso..
FOR SUBMISSION!!
BSE-2A1!
FOR SUBMISSION!!
BSE-2A1!

Weew!! great! i have now my blog! tsuggs!!
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeletemarubdub ang iyong wikang ginamit sa pagsambulat ng iyong
ReplyDeletedamdamin na nais kumawala sa di mawaring kadiliman na sumakop sa buhay na kinagisnan. Ako'y labis na natutuwa sa iyong nailathala...magdiwang ka!