Powered By Blogger

Thursday, 21 July 2011

P I L T I K

 Durog kong pulso
    pumipitik sa tenga ko
Di na mabilang pintig nito
   pahina nang pahina
 
Naubos ang dugong dumadaloy
  nabarahan ng taba ng sakit
na tumalos pati buto

Namilipit ang ugat sa katawan
  nagpalaya sa ungol at
kumawala sa hapong tinig
  mula sa kahapon

Dayain ang  sarili
  sa kawalan
walang maramdaman

Patay na nga,durog,
  basag na ang organ
ng buhay  na umukit
   sa katauhan

Unti-unting naihip ng hangin
  ang sindi ng munting
ilaw ng pag-asa
  dumidilim..

Wala nang malay
  ang damdamin
 nalanta ang rosas
namatay ang ilaw

Naglaho na nga
  ang busilak na pagibig
na noo'y pinipitik ng pulso..




FOR SUBMISSION!!
BSE-2A1!
 

3 comments:

  1. Weew!! great! i have now my blog! tsuggs!!

    ReplyDelete
  2. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  3. marubdub ang iyong wikang ginamit sa pagsambulat ng iyong
    damdamin na nais kumawala sa di mawaring kadiliman na sumakop sa buhay na kinagisnan. Ako'y labis na natutuwa sa iyong nailathala...magdiwang ka!

    ReplyDelete